Pilipinas maiipit sa girian ng US at China sa Balikatan Exercise sa pagitan ng Amerika
Naniniwala si House Deputy Minority Leader at Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate na lalo lamang hihigpit ang tensyon sa pagitan ng Estados Unidos at China sa Balikatan exercises sa pagitan naman ng Amerika at Pilipinas sa Abril 23.
Ayon kay Zarate na maipit ang Pilipinas sa tensyon sa pagitan ng Estados Unidos at China.
Mahalaga aniyang igiit ng Pilipinas ang soberenya nito sa West Philippine Sea sa pamamaraan na hindi maipit sa mga nagbabanggaang malalaking bansa.
Iginiit nito na ang dapat na mangyari sa ngayon ay humupa ang tensyon sa West Philippine Sea at magkaroon ng demilitarization sa lugar.
Maari din anyang tumulong na ang mga parliamentarians para mapabilis ang paghupa ng tensyon sa West Philippine Sea.
Kasabay nito ay nananawagan si Zarate sa liderato ng Kongreso na humingi ng suporta sa Asian Parliamentary Association (AIPO) at sa Inter-Parliamentary Union (IPU) para kondenahin ang expansion ng China sa pinagtatalunang rehiyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.