Epektibong sistema sa pamamahagi ng ayuda dapat buuin ng mga LGU at DSWD

By Erwin Aguilon April 14, 2021 - 11:05 AM

Nagpahayag din ng kanyang pagkadismaya ang lider ng minorya sa Kamara sa mabagal na pamamahagi ng ayuda sa mga pamilyang naapektuhan ng dalawang linggong ECQ sa NCR plus.

Ayon kay House Minority Leader Joseph Stephen Paduano, hindi na natuto ng leksyon ang Department of Social Welfare and Development at ang local government units.

Hindi anya nito maintindihan kung bakit kailangang maulit pa ang delays at magulong distribusyon gayung naranasan na ito noong nakaraang taon.

“Last year’s experience should have taught them lessons how to avoid delays in the distribution of the cash assistance ,” pahayag ni Paduano.

Ayon sa kongresista, dapat meron nang mas epektibong sistema ang DSWD at LGUs.

Marami talaga anyang magrereklamo kung nagugutom na ang mga tao pero pahirapan pa ang pagkuha ng ayuda.

“Gutom na ang tao ngunit pahirapan pa rin ang pagkuha ng ayuda kaya normal lang na marami ang magrereklamo,” giit nito.

Dagdag pa ng minority leader, ang paglalagay ng grievance committee ng DSWD para tugunan ang mga reklamo ng beneficiaries ay hindi dapat maging excuse para sa kapalpakan.

 

TAGS: ayuda, COVID-19, LGU. DSWD, Rep. Joseph Stephen Paduano, ayuda, COVID-19, LGU. DSWD, Rep. Joseph Stephen Paduano

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.