Paghahain ng diplomatic protest laban sa China ipinag-utos ni DFA Sec. Locsin

By Erwin Aguilon April 14, 2021 - 08:59 AM

Ipinag-utos ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., ang paghahain ng diplomatic protest sa China dahil sa paglobo ng mga barkong Tsino sa West Philippine Sea.

Sa ulat ng National Task Force on West Philippine Sea lumalabas na umabot pa sa 240 ang bilang ng mga Chinese vessel sa WPS.

Sa kanyang twitter account sinabi ni Locsin na bagama’t wala pa siyang nakukuhang ulat mula sa NTF inaatasan na nito ang Department of Foreign Affairs na maghain ng diplomatic protest.

Nauna rito, ipinatawag na ng DFA si Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian dahil sa iligal na presensya ng mga barko ng China sa Julian Felipe Reef sa West Philippine Sea.

 

TAGS: China, DFA, Julian Felipe Reef, Sec. Teddy Boy Locsin, West Philippine Sea, China, DFA, Julian Felipe Reef, Sec. Teddy Boy Locsin, West Philippine Sea

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.