10 natimbog ng PNP – CIDG dahil sa pagbebenta ng COVID-19 rapid test kit
Inaresto ng mga tauhan ng Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (PNP– CIDG) ang 10 katao dahil sa pagbebenta ng COVID-19 rapid test kits sa ikinasang buy-bust operation sa Quezon City, Martes ng umaga (April 13).
Ayon kay CIDG director, Maj. Gen. Albert Ignatius Ferro, ang mga inaresto sa pangunguna ng isang Marize Santiago ay konektado sa isang grupo ng Chinese citizens na nag-aalok online ng test kits.
Aniya, nang mapapayag nila ang mga suspek na magbenta ng P204,000 halaga ng test kits ay ikinasa na nila ang operasyon sa Barangay South Triangle.
Nabatid na nabigo ang grupo ni Santiago na magpakita ng mga ebidensiya para patunayang awtorisado silang magbenta ng test kits.
Nakumpiska sa operasyon ang P9 milyong halaga ng unauthorized rapid test kits.
Sinabi pa ni Fierro na ang mga suspek ay kabilang sa mga nagsasamantala na kumita ng malaki kahit sa ilegal na pamamaraan sa gitna ng pandemya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.