Patataas ng minimum access volume sa mga imported na baboy, ipinababasura sa Malakanyang | DZIQ Radyo Inquirer 990AM

Patataas ng minimum access volume sa mga imported na baboy, ipinababasura sa Malakanyang

By Erwin Aguilon April 13, 2021 - 04:36 PM

Iginiit ni Bayan Muna Rep. Carlos Zarate na dapat ibasura ng Malakanyang ang Executive Order 128 na nagtataas sa minimum access volume o MAV ng mga imported na baboy at nagpapababa pa sa taripa ng pork imports.

Ayon kay Zarate, lahat ng mga hog raiser ay tutol sa EO 128 ni Pangulong Rodrigo Duterte pero itinuloy pa rin ito dahil sabi ng Palasyo, ito ay bilang pagtugon sa epekto ng African Swine fever o ASF.

Nagtataka ang mambabatas kung bakit palaging ang “default reaction” ang administrasyon lalo na ang Department of Agriculture ay ang importasyon sa halip na tulungang paunlarin ang mga lokal na magbababoy at magsasaka o ang sektor ng agrikultura sa bansa.

Banat ni Zarate, ang Pilipinas na nga ang pinakamalaking importer ng bigas, at pati ba naman aniya ng baboy at manok ay ang Pilipinas pa rin ang mangunguna.

Babaha rin aniya ng mga frozen pork sa Pilipinas ngunit hindi naman nito matitiyak na bababa rin ang presyo sa merkado.

Dagdag ni Zarate, libu-libong Pilipino na naka-depende sa pork industry ay posibleng mawalan ng kabuhayan dahil sa malaking epekto o pagsasara ng ilang mga producer na hindi na maka-agapay sa MAV expansion at pagpapababa sa taripa.

TAGS: 18th congress, Inquirer News, minimum access volume, pork industry, Radyo Inquirer news, Rep Carlos Zarate, 18th congress, Inquirer News, minimum access volume, pork industry, Radyo Inquirer news, Rep Carlos Zarate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

News Hub