GSIS, SSS balik sa limitadong operasyon

By Jan Escosio April 12, 2021 - 12:57 PM

Sa pag-iral ng modified enhanced community quarantine (MECQ), muling nagbukas ang main office ng Government Service Insurance System (GSIS) sa Pasay City.

Balik-operasyon na rin ang kanilang mga sangay sa Quezon City, Bulacan at Laguna.

Ngunit ang kanilang cashiering at check releasing ay gagawin lang sa mga araw ng Lunes, Miyerkules at Biyernes, gayundin ang kanilang eCard enrollment at releasing nito.

Ang kanilang loan applications at claims ay tatanggapin lang sa pamamagitan ng email, EGSISMO, GWAPS kiosks at dropbox.

Ang mga pensioner na ipinanganak ngayon Abril ay maari nang mag-request ng kanilang annual pensioners information revalidation (APIR) appointments sa pamamagitan ng email o text.

Samantala, 50 porsiyento lang sa operasyon naman ng Social Security System (SSS) ang gumagana sa kanilang mga sangay na nakapaloob sa NCR Plus bubble.

Paiiralin pa rin ang dropbox system gayundin ang number coding system sa walk-in transactions tulad ng pagkuha ng unified multi-purpse ID cards, educational loan checks, annual confirmation of pensioners para lang sa suspended pensions at pagbabayad ng contribution at loan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.