Epekto ng ‘Lenten ECQ’ malalaman sa susunod na dalawang linggo – DOH
Sa susunod na dalawang linggo pa malalaman ang naging epekto ng ipinatupad na dalawang linggo na enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila at apat pang lalawigan nitong nakalipas na Semana Santa.
Ito ang sinabi ni Health Usec. Ma. Rosario Vergeire kasunod na rin ng pagpapa-iral ng modified ECQ sa mga kabilang sa NCR Plus bubble.
Pag-amin niya patuloy pa rin na tumataas ang bilang ng mga bagong COVID 19 cases at aniya umaasa sila na sa ipinatupad na ECQ ay bababa na ang bilang.
Diin ng tagapagsalita ng kagawaran ang pinakamahalaga ngayon ay mapagbuti ang kapasidad ng mga ospital at ang paggamot sa mga pasyente.
Kasabay nito, dinipensahan din ni Vergeire ang ipinatupad na ‘two-week ECQ’ at aniya hindi naman dapat sabihin na walang naging saysay ang naging hakbang ng gobyerno.
“We have not seen the effect of this ECQ yet. And we all know that the incubation period of the virus I 14 days. So we really have to look forward and two weeks from now that’s the time that we can see maybe the decline of these cases,” sabi pa nito.
Una nang sinabi ng Healthcare Professionals Alliance against COVID-19 (HPAAC) na hanggang ngayon ay wala pa rin malinaw na plano ang gobyerno para tugunan ang kasalukuyang krisis pangkalusugan sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.