DepEd pinaghahanda sa extension ng distance learning system sa SY 2021 – 2022

By Erwin Aguilon April 12, 2021 - 10:50 AM

Pinayuhan ni Anakalusugan Partylist Representative Mike Defensor ang DepEd na paghandaan na ang pagpapalawig ng distance learning. 

Ayon kay Defensor, baka abutin pa ng isang taon bago magkaroon ng bakuna para sa mga batang edad 15 pababa kayat aniya malabo pa ang face-to-face to classes para sa school year 2021-2022.

Una nang sinabi ni Pangulong Duterte na hindi nito papayagan ang face-to-face classes hangga’t walang bakuna.

Sabi ni Defensor, hindi pa tapos ang pag-aaral ng vaccine developers sa kaligtasan ng kanilang mga bakuna sa mga bata.

Kaya naman hinimok nito ang mga paaralan na ayusin at palawakin ang serbisyo ng online learning gayundin ang modular, television at radio-based instruction para maiwasan ang dropouts at mas maraming estudyante ang makapag-aral sa susunod na pasukan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.