FDA, umapela sa DOH na huwag munang ibigay ang AstraZeneca vaccine sa mga 60-anyos pababa
Umaapela ang Food and Drug Administration (FDA) sa Department of Health (DOH) na kung maari ay huwag na munang ituloy ang pagbibigay ng AstraZeneca vaccine sa mga indibidwal na nag-eedad ng 60-anyos pababa.
Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni FDA director general Eric Domingo na mas makabubuti kung hintayin muna ang mas malinaw na ebidensya at mas malinaw na guidance mula sa World Health Organization at mga eksperto.
Matatandaang base sa European study, nagkaroon ng pambihirang blood clot sa utak ang ilang indibidwal na naturukan ng AstraZeneca.
Sa pagkakaalam ni Domingo, wala ng suplay ng AstraZeneca sa bansa.
Pero ayon sa opisyal, kung mayroon pang natitira sa DOH, mas makabubuti kung huwag na muna itong gamitin total may isang buwan pa naman bago dumating ang panibagong suplay ng AstraZeneca.
Sa ganitong paraan, mabibigyan pa ng panahon ang mga eksperto para pag-aralan muna ang data ng AstraZeneca.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.