Pangulong Duterte, negative sa COVID 19 at maayos ang kalusugan – Palasyo
Fit at healthy.
Ito ang pagsasalarawan sa kasalukuyang kalusugan at kondisyon ng katawan ni Pangulong Duterte.
Reaksyon na rin ito ng Malakanyang sa kumalat na balita na na-stroke ang Punong Ehekutibo.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, nagpapasalamat ang Palasyo sa mga Filipino na nag-aalala sa kalusugan ng pangulo.
Kasabay nito, negatibo naman ang resulta ng huling COVID 19 swab test kay Pangulong Duterte, ayon kay Sen. Christopher Go.
Aniya ang swab test ay isinagawa nitong nakaraang Semana Santa.
Samantala, pinabawasan ng Presidential Security Group ang mga aktibidad ni Pangulong Duterte.
Ayon kay PSG commander, Brig. General Jesus Durante hindi muna ipagsasapalaran ng kanilang hanay ang kaligtasan ng pangulo hanggang nananatiling mataas ang bilang ng COVID 19 cases sa bansa.
Sa ngayon, naka-lockdown ang buong Malacanang Complex dahil umiiral ang enhanced community quarantine sa Metro Manila.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.