Bangko Sentral pinakikilos sa pagbawi ng pera ng ‘fraud victims’
Hinikayat ni Senator Grace Poe ang Bangko Sentral ng Pilipinas na tulungan ang mga biktima ng scams na mabawi ang kanilang pera.
Ayon sa senadora maaring gamitin ng BSP ang impluwensiya sa mga bangko para matulungan ang mga biktima.
“Financial regulators are keen on throwing banks a line when they are deemed to be too big to fail. Equally, individuals deserve proper and timely support. People should be at the core of what government does and no one should be too small to ignore,” sabi ng namumuno sa Senate committee on Banks, Financial institutions and Currencies.
Mismong ang BSP na ang umamin na marami pa rin ang nagdududa sa ‘online transactions’ dahil sa pangamba nila na mabiktima ng scam o ma-hack ang kanilang account.
Ayon kay Poe kung matutugunan ang isyu ng mga konsyumer at maibabalik ang pera ng mga biktima, maaring bumalik ang tiwala sa online transactions.
Dagdag pa niya, marami na ang nawalan ng trabaho at dapat na hindi naman mawala ang kanilang ipon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.