Pagbaba ng inflation rate noong Marso magandang panimula – Rep. Salceda

By Erwin Aguilon April 07, 2021 - 11:48 AM

Welcome development para kay House Committee on Ways and Means Chairman at Albay Rep. Joey Salceda ang pagbagal ng inflation rate sa Pilipinas noong Marso.

Gayunman, sabi ng ekonomistang mambabatas “inadequate development” pa rin ito.

Mabigat sabi ni Salceda na kalbaryo para sa publiko ang mataas na presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo dahil nagkakaroon ng intermittent lockdowns.

Para masolusyunan ito, suportado ni Salceda ang mga hakbang para maitaas ang Minimum Access Volume (MAV) para sa mga inaangkat na karne ng baboy at rationalization sa proseso nang importation.

Kahit hindi man babaan aniya ang taripa sa pork imports, sinabi ni Salceda na dapat ma-utilize ng husto ang MAV dahil kung tutuusin ang presyo ng imported pork ngayon ay nasa P190 kada kilo na lang.

Para kay Salceda, gamitin na lang ang kita ng pamahalaan mula sa taripa para sa biosecurity at investments sa ligtas na pagpapakain sa mga livestock para maiwasan ang swill feeding, na siyang pinaniniwalaang sanhi nang pagkalat ng ASF.

Kahapon, inanunsyo ng Philippine Statistic Authority na bumagal sa 4.5% ang inflation rate noong Marso, mas mababa ng bahagya kumpara sa 4.7% naman noong Pebrero.

Sinabi ni Salceda na mataas pa rin kasi ang presyo ng pagkain, na pumapalo sa 5.8% inflation; habang ang meat inflation naman ay pumapalo sa nakakahilo na 20.9%, dahil pa rin sa African Swine Fever.

TAGS: inflation rate, march 2021, Rep JOey Salceda, inflation rate, march 2021, Rep JOey Salceda

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.