Pamamahagi ng SAP sinimulan na sa Maynila

By Chona Yu April 07, 2021 - 10:01 AM

Sinimulan na ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang pamamahagi ng social amelioration program o pinansyal na ayuda sa mga apektado ng implementasyon ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, natanggap na ng lokal na pamahaalan ang P1,523,270,000 pondo mula sa national government nitong Lunes, April 5.

Sa Brgy. 659, Baseco, Port Area, tig P4, 000 bawat pamilya ang natanggap na ayuda.

Aabot sa 19, 703 ang nakatanggap ng ayuda sa naturang barangay

Hangad aniya nila na mabigay agad ang naturang ayuda lalo na’t maraming nawalan ng kabuhayan sa gitna ng ECQ.

Bukod dito, nakahanda na rin ang lokal na pamahalaan ng Maynila sa pagbibigay ng allowance para sa mga senior citizen sa lungsod.

Alinsunod ito sa City Ordinance 8565 na nagtakda sa pagbibigay ng P500 monthly allowance para sa senior citizens, solo parents, at persons with disabilities (PWDs).

Magpapatuloy naman sa susunod pang mga araw ang pamamahagi ng ayuda sa lahat ng benepisyaryo sa anim na distrito ng Lungsod ng Maynila.

 

TAGS: COVID-19, ECQ, Maynila, sap, COVID-19, ECQ, Maynila, sap

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.