Pananakop ng China dapat nang tindigan ng Pilipinas

By Jan Escosio April 07, 2021 - 09:53 AM

Dapat nang gayahin ng Pilipinas ang ilang kapitbahay na bansa na pumalag na sa pambu-bully ng China sa South China Sea.

Sinabi ni Sen. Francis Pangilinan, tulad ng Vietnam at Indonesia, dapat ay ipaglaban na rin ng Pilipinas ang pambansang interes.

Reaksyon ito ng senador sa pananatili ng mga sasakyang-pandagat ng China sa West Philippine Sea.

“Hindi tayo dapat pumayag na hawakan tayo sa leeg ng China. Hindi tayo dapat manatiling sunud-sunuran, tahimik, at walang imik, habang inaagaw na sa atin ang Julian Felipe Reef,” sabi pa ni Pangilinan.

Sinegundahan ni Pangilinan ang pahayag ni Defense Sec. Delfin Lorenzana na dapat ay itigil na ng China ang ilegal na pag-aangkin sa malinaw na bahagi ng teritoryo ng Pilipinas.

Samantala, sinabi naman ni Sen. Panfilo Lacson na hindi na pinapansin ng China ang inihahain na diplomatic protests laban sa kanila.

Aniya maaring makakabuti kung magkakaisa ang Pilipinas at ang mga kaalyadong bansa para mapanatili ang ‘balance of power’ sa West Philippine Sea.

Una nang nagbabala ang  Department of Foreign Affairs (DFA) na maghahain ng diplomatic protest araw-araw hanggang sa makaalis na ang lahat ng sasakyang-pandagat ng China sa malinaw na bahagi ng teritoryo ng Pilipinas.

 

 

 

TAGS: China, Sen. Kiko Pangilinan, Sen. Panfilo Lacson, West Philippine Sea, China, Sen. Kiko Pangilinan, Sen. Panfilo Lacson, West Philippine Sea

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.