Mga hindi taga-Bulacan at hindi essential ang lakad sa lalawigan, hindi pinapayagang makalusot sa border

By Erwin Aguilon April 06, 2021 - 09:07 PM

Kuha ni Fritz Sales/Radyo Inquirer On-Line

Sa ikalawang linggo ng pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine, mahaba pa rin ang pila ng mga sasakyan sa boundary ng North Caloocan at San Jose del Monte sa Bulacan.

Mahigpit kasi ang ginagawang pagpapatupad ng Philippine National Police at lokal na pamahalaan ng San Jose del Monte sa resolusyon ng IATF.

Mga tanging pinapayagan lamang sa guidelines ng IATF ang hinahayaang makapasok sa lalawigan ng Bulacan na kabilang sa mga lugar na nasa ECQ.

Iniisa-isa ng mga awtoridad ang ID at dokumento ng mga dumadaan sa checkpoint.

Maging ang dala ng mga motorcycle rider na magde-deliver sa Bulacan, binubusisi.

May isang galing pa ng Antipolo City at magde-deliver ng bisikleta, hindi hinayaang makapasok sa checkpoint kaya naman tinawagan na lamang nito ang kanyang pagdadalhan ng order.

May isa namang taga-San Jose del Monte pero wala siyang maipakitang ID kaya pinigilan sa checkpoint.

Kaya naman tinawagan nito ang kanyang kasama sa bahay upang dalhin ang ID sa checkpoint.

May magkapatid namang dadalaw sana sa kanilang nanay na taga-San Jose del Monte galing Quezon City pinababa din ng dyip dahil hindi sila taga-Bulacan.

Mayroon ding sakay naman ng kotse, hindi rin pinayagang makapasok ng Bulacan dahil hindi naman kabilang sa Authorized Person Outside of Residence at hindi rin essential ang lakad.

Maging ang mga bus ay inaakyat ng pulisya upang malaman kung taga-Bulacan ang sakay nito at mga pinapayagan sa guidelines ng IATF.

TAGS: checkpoints in Bulacan, ECQ, Inquirer News, PNP checkpoint, Radyo Inquirer news, checkpoints in Bulacan, ECQ, Inquirer News, PNP checkpoint, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.