Aktibong kaso ng COVID-19 sa Quezon City, nasa 10,503
Nadagdagan pa ang bilang ng mga naitalang kaso ng COVID-19 sa Quezon City.
Sa datos ng Quezon City Health Department, umabot na sa 53,025 ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng nakakahawang sakit sa lungsod hanggang 8:00, Martes ng umaga (April 6).
Ang nasabing bilang ng kaso ay na-validate na ng QCESU at district health offices.
Samantala, nasa 10,503 o katumbas ng 19.8 porsyento ang itinuturing na aktibong kaso ng pandemiya.
Mayroon ding bagong gumaling sa lungsod.
Bunsod nito, 41,605 o 78.5 na porsyento na ang total recoveries sa COVID-19 sa lungsod habang 917 na o 1.7 porsyento ang nasawi.
Batay pa sa datos, nasa 239,884 ang suspected COVID-19 cases na kabilang na isinagawang contact tracing.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.