Ivermectin hindi gamot sa COVID-19 ayon sa FDA

By Chona Yu April 06, 2021 - 01:45 PM

Walang sapat na data ang Food and Drug Administration para patunayan na nakagagamot sa COVID-19 ang Ivermectin.

Ang Ivermectin ay ginagamit bilang anti-parasitic drug.

Ayon kay FDA director general Eric Domingo, walang conclusive data na hawak ang kanilang tanggapan para sabihing epektibo ang Ivermectin kontra COVID-19.

Ginawa ni Domingo ang pahayag matapos ianunsyo ni  Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor na mamahagi siya ng Ivermectin sa mga residente sa Quezon City.

Ayon pa kay Domingo, walang nakarehistro na Ivermectin drugs para sa human consumption sa Pilipinas.

 

 

TAGS: COVID-19, FDA director General Eric Domingo, Ivermectin, COVID-19, FDA director General Eric Domingo, Ivermectin

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.