Dito Telecom walang pakinabang sa maraming Filipino – ICT advocacy group

By Jan Escosio April 06, 2021 - 01:04 PM

Nangangamba ang isang information, communication and technology (ICT) advocacy group na maraming Filipino ang hindi makikinabang sa 5G network ng Dito – China Telecom.

Sinabi ni Engr. Pierre Galla, co-founder ng Democracy.net.ph, marami pa rin sa mga Filipino ang gumagamit ng 2G lalo na sa mga kanayunan kung saan ang mga residente ay hindi pa gumagamit ng smart phones.

“The feature phone market in the Philippines is still very high, especially used by classes D and E, or our kababayans that run on 2G frequency. I’m surprised Dito Telecommunity restricted their list [of compatible phones],” pahayag ni Galla.

Tinataya na 60 porsiyento pa ng cellphone users sa bansa ang gumagamit ng 2g phones.

Kayat aniya ipinagtataka nila ang roll-out ng Dito Telecom sa mga masasabing liblib pa na lugar kung saan hindi naman mapapakinabangan ang kanilang serbisyo.

Una nang inamin ni Dito Chief Technology Officer Rodolfo Santiago na hindi garantisado na ang mga gumagamit ng hindi smart phones ay maaring makinabang sa kanilang sistema at aniya isyu din ang ‘compatability’ nila sa ibang telecom.

“To protect the public, there may be technical issues that are unforeseen,” sabi ni Santiago.

Bukod pa dito, nabunyag din ang mga limitasyon ng network, kabilang ang SIM card incompatibility, dahilan para pagtibayin ng mga stakeholder na marami pang dapat ayusin ang third telco bago ito makakuha ng mas malaking bahagi ng consumer market.

Kuwestiyonable pa rin diumano kung matutupad ng Dito ang pangako na mapapantayan na ang serbisyo na inaalok na ng PLDT at Globe.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.