Ilang Metro Manila mayor, nabakunahan na vs COVID-19

By Angellic Jordan April 05, 2021 - 10:09 PM

Naturukan na ng bakuna laban sa COVID-19 ang ilang alkalde ng National Capital Region (NCR).

Photo credit: Mayor Isko Moreno/Facebook

Naunang magpabakuna si Manila Mayor Isko Moreno noong araw ng Linggo, April 4.

Nabigyan ng unang dose ng Sinovac si Moreno sa President Sergio Osmeña High School sa Tondo.

Bakunang gawa ng Sinovac din ang itinurok kay Mandaluyong Mayor Menchie Abalos.

Photo credit: Mayor Menchie Abalos/Facebook

Naturukan ng bakuna si Abalos sa araw ng Lunes, April 5.

Kasabay nito, patuloy ang paghikayat ng mga alkalde sa publiko na makiisa sa COVID-19 vaccination program ng gobyerno upang maiwasang tamaan ng nakakahawang sakit.

TAGS: COVID-19 vaccination, Inquirer News, Mayor Isko Moreno, Mayor Menchie Abalos, Radyo Inquirer news, Sinovac, COVID-19 vaccination, Inquirer News, Mayor Isko Moreno, Mayor Menchie Abalos, Radyo Inquirer news, Sinovac

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.