Chief Justice Alexander Gesmundo, nanumpa na sa pwesto
By Angellic Jordan April 05, 2021 - 06:04 PM
Nanumpa na bilang bagong Chief Justice ng Korte Suprema si Alexander Gesmundo.
Isinagawa ang oath taking ceremony sa Session Hall, Lunes ng hapon (April 5).
Kasama naman sa seremonya ‘virtually’ ang iba pang SC justices at pamilya ni Gesmundo.
Si Gesmundo ang ikaapat na itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang pinuno ng Korte Suprema.
Siya rin ang ika-27 Chief Justice ng Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.