Posisyon ng Lorenzana sa isyu ng West Philippine Sea, dapat suportahan ng Gabinete ni Pangulong Duterte
Hinimok ni Surigao del Sur Rep. Robert Ace Barbers ang mga miyembro ng Gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte na suportahan ang posisyon ni Defense Secretary Delfin Lorenzana sa karapatan ng bansa sa West Philippine Sea (WPS).
Kasabay nito ay pinuri ng kongresista ang hamon ni Lorenzana sa Chinese Ambassador sa bansa na igalang at tuparin ang pahayag nito na aalis din ang mga barko ng China sa oras na umayos ang panahon.
Nanawagan din ang mambabatas sa publiko na magkaisa laban sa pambu-bully ng China mula sa social media at mga produkto ng nasabing bansa.
Panghuli ay humirit si Barbers kay Lorenzana na kumilos at hindi lang magsalita laban sa China.
Hiniling nito na magpadala na agad ng naval ships ang hukbong sandatahan sa West Philippine Sea upang ipakita ang presensya ng bansa at igiit ang soberenya at karapatan sa teritoryo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.