Transport Secretary Tugade nagbabala sa mga operator ng colorum na mga sasakyan

By Erwin Aguilon April 04, 2021 - 10:01 AM

Mariing nagbabala si Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade laban sa mga operator ng iba’t-ibang colorum na sasakyan na itigil ang tahasang paglabag sa batas.

Ito ay matapos masabat sa anti-colorum operations ang labindalawang colorum na sasakyan na nagtangkang pumasok a iba’t-ibang bayan at lungsod ng Bicol Region.

“Hindi ‘ho tayo uusad sa ating laban kontra sa COVID kung tahasan nating nilalabag ang mga quarantine protocols. Isantabi muna natin ang pansariling interes para isalba ang buhay ng nakararami. Buhay ‘ho ang pinag-uusapan dito. Buhay ‘ho ang nakataya dito, kaya’t huwag tayong pasaway. Huwag tayong maging daan sa pagkalat ng COVID-19,” pahayag ni Tugade.

Pinayuhan din ng opisyal ang mga ito na sumunod sa quarantine at health protocols na ipinapatupad ng pamahalaan.

Sa datos ng Bicol PDRRMO, 79 na mga indibidwal na ang nagpositibo sa COVID-19 test ang nagatungo sa rehiyon sakay ng mga colorum na sasakyan galing ng NCR.

Samantala, sa anti-colorum operations na isinagawa noong Huwebes at Biyernes Santo, 7 mga pasahero mula sa mga nasabat na colorum na sasakyan ang nagpositibo sa COVID-19.

Dinala naman kaagad ang mga ito sa quarantine facility.

Kasunod ng pagdeklara ng muling pagsasailalim ng Metro Manila at mga karatig na probinsya ng Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) dahil sa naka-aalarmang pagtaas ng kaso ng mga nagpositibo sa COVID-19, naglagay ng ang Bicol Inter-Agency Task Force (BIATF) ng  regional border control papasok ng Bikolandia.

Ayon sa BIATF, kinailangang ibalik ang checkpoints sa mga nasabing lugar dahil sa pagdami ng mga taong tumatawid sa border ng probinsya na gustong makaiwas sa epekto ng ECQ.

Kaugnay ng pagdami ng mga taong bumabiyahe papuntang Bicol region at para siguruhin na tanging mga otorisadong indibidwal lamang ang papasok at lalabas sa probinsya, nakipagtulungan ang Land Transportation Office Region V sa pagpapaigting ng border control at anti-colorum operations.

Nabatid na modus ng mga dispatchers na maghanap ng mga pasahero sa Facebook at doon magpapa-online booking. Oras na magkaroon na sila ng sapat na bilang ng mga pasahero, tatawag ang mga dispatcher sa isang colorum na operator para sunduin o i-door-to-door pickup ang mga nag-book na pasahero.

Dagdag ng DOTR, upang masiguro na matigil ang iligal na gawain, nagpapatuloy ang LTO NCR sa pag-monitor ng mga terminal sa Pasay at Cubao habang naka-istasyon pa rin ang mga tauhan ng LTO Region V sa Bicol border para hulihin ang mga lumalabag.

 

TAGS: Bicol, colorum, dotr, lto, Secretary Arthur Tugade, Bicol, colorum, dotr, lto, Secretary Arthur Tugade

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.