Metro Manila nag-init sa 34.8 degrees Celsius – PAGASA
Naitala kaninang alas-2:55 ng hapon ang pinakamainit na temperatura sa Metro Manila ngayon taon.
Sa inilabas na datos ng PAGASA, pumalo sa 34.8 degrees Celsius ang naitala sa Science Garden monitoring station sa Quezon City.
Ang mainit at maalinsangan na panahon, ayon sa state weather bureau, ay dahil sa pamamayani ng hangin na nagmumula sa silangan.
Samantala, magdudulot ng pag-ulan sa ilang bahagi ng VVisayas at Mindanao ang binabantayang low pressure area (LPA).
Huling namataan ang LPA sa distansiyang 30 kilometro kanluran hilaga-kanluran ng Zamboanga City.
Magiging makulimlim ang kalangitan at kalat-kalat na pag-ulan ang mararanasan sa Zamboanga Peninsula, Soccksargen, Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), at Palawan.
Binalaan ng PAGASA ang mga residente sa mga nabanggit na lalawigan sa posibleng flashfloods at landslides kapag malakas ang pag-ulan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.