DILG Undersecetary Epimaco Densing III tinawag na pabigat ng kaalyado ni VP Leni

By Jan Escosio April 01, 2021 - 05:03 PM

Binuweltahan ni Barry Gutierrez si Interior Undersecretary Epimaco Densing III sa pag-amin ng huli na si Vice President Leni Robredo ang kanyang tinutukoy na ‘lugaw’ sa naging pahayag niya kagabi.

Sinabi Gutierrez, tagapagsalita ni Robredo, na pabigat pa si Densing bukod sa pagiging ‘non-essential.’

“This guy epitomizes the admin’s Covid response. With cases rising, hospitals full, & millions struggling, instead of doing real work he makes “jokes,” plays politics and bashes someone who’s actually doing the job they’re supposed to. Di lang ito “non essential.” Ito ay pabigat,” ang tweet ni Gutierrez na patukoy kay Densing.

Una nang inamin ni Densing na si Robredo ang pinatatamaan niya sa kanyang pahayag na ‘si lugaw.’

Bahagi ito ng kanyang sagot sa panayam sa kanya ukol sa pamimilit ng isang barangay official sa Bulacan na ‘non essential’ ang lugaw na dapat ay idedeliber ng isang rider.

Umani ng kaliwat-kanan na batikos si Densing mula sa netizens sa kanyang sagot.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.