Sen. Risa Hontiveros sa DILG: Imbestigahan ang ‘power trip’ sa checkpoints
Dahil sa kabi-kabilang reklamo ng panghaharang sa checkpoints, hinikayat ni Senator Risa Hontiveros ang DILG na aksiyonan ang mga insidente ng ‘power tripping’ ng mga nagbabantay sa mga checkpoints sa NCR Plus bubble.
Ayon kay Hontiveros marami ng posts sa social media ukol sa pagharang sa food delivery riders na hindi pinalulusot sa checkpoints at ang ilan ay binibigyan pa ng tiket.
Diin ng senadora dapat ay ang mga tagapagpatupad ng batas ang sumusunod sa guidelines na inilabas ng IATF.
“Malinaw ang regulasyon na dapat hayaan ang mga delivery at courier services, kung sila ay sumusunod naman sa health guidelines at may proper identification. Dapat alam iyan ng lahat ng law enforcers, mapa pulis man o local government unit personnel. Hindi sila pwedeng mag-imbento at manghula ng patakaran,” diin ni Hontiveros.
Dagdag pa niya, dapat ay intindihin na may mga patuloy na nagha-hanapbuhay at sila naman ay pinapayagan ng gobyerno.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.