Revilla pinayagang lumabas ng kulungan para sa dental check-up

By Isa Avendaño-Umali April 11, 2016 - 03:16 PM

SEN.BONG REVILLA SURRENDERS AT SANDIGANBAYAN/JUNE 20,2014 Senator Ramon "Bong" Revilla Jr. voluntarilly surrenders at the Sheriffs Office of the Sandiganbayan. INQUIRER PHOTO/RAFFY LERMA
INQUIRER PHOTO/RAFFY LERMA

Pinagbigyan ng Sandiganbayan ang hiling ni detained Sen. Bong Revilla na maisailalim sa dental CT scan ngayong araw ng lunes.

Sa resolusyon ng Sandiganbayan 1st Division, pinayagan nito si Revilla na makapunta sa dental center sa Makati City para sa nasabing dental CT scan.

Una ng hiniling ni Revilla na makalabas ito pansamantala sa kanyang detention facility sa Camp Crame noong April 9.

Pero dahil hindi available ang kanyang doktor sa nasabing araw kaya ini-usod na lamang ito ngayong Lunes.

una na ring sinabi ng PNP General Hopital – Dental and Oral Surgery Center na wala silang CT scan apparatus para masuri ang ngipin ng Senador.

Si Revilla ay kasalukuyang nakakulong dahil sa mga kinaharap na kaso kaugnay ng pork barrel scam.

Noong isang Linggo ay ibinasura ng Sandiganbayan ang hirit ni Revilla na makalabas sa kanyang selda para dumalo sa proclamation ng kanyang anak na si Cavite Vice-Gov. Jolo Revilla.

TAGS: Bong Revilla, graft, napoles, PDAF, sandiganbayan, Bong Revilla, graft, napoles, PDAF, sandiganbayan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.