Mga barangay official na mamumulitika sa pamamahagi ng ayuda, ipakukulong ni Pangulong Duterte

March 31, 2021 - 10:47 AM

Photo grab from PCOO Facebook live

 

Binalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga barangay officials na mamumulitika sa pamamahagi ng ayuda sa mga lugar na nasa enhanced  community quarantine dahil sa mataas na kaso ng COVID-19.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, ayaw ni Pangulong Duterte na maulit ang mga anomalya sa pamamahagi ng Social Amelioration Program sa kasagsagan ng pandemya kung saan marami ang nagreklamo dahil sa hindi naisama sa listahan ng mga benepisyaryo.

Babala anya ng pangulo, kanyang ipakukulong ang mga mamumulitikang opisyal ng barangay.

Ayon kay Roque, marami ng barangay officials ang nasampulan at nadisiplina dahil sa pagsasamantala sa SAP.

“Lesson learned po kung kayo ay mga opisyales ng barangay, ipakukulong po kayo ni Presidente kapag pati ba naman ang ayuda ay pagsasamantalahan ninyo ano, napakadami na pong nadisiplina diyan,” pahayag ni Roque.

Hindi aniya mag-aatubili ang Pangulo na parusahan ang mga magsasamantala sa pandemya.

“Ang mensahe po ni Presidente: Huwag na huwag na ninyong gagalawin ang ayuda sa panahon po ng lockdown at pandemya,” pahayag ni Roque.

 

TAGS: barangay officials, Pangulong Duterte, sap, Sec. Harry Roque, barangay officials, Pangulong Duterte, sap, Sec. Harry Roque

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.