Sen. Gatchalian, nagbilin sa DepEd na alagaan ang mga teacher sa NCR Plus bubble

By Jan Escosio March 30, 2021 - 06:40 PM

Sinabi ni Senator Sherwin Gatchalian sa Department of Education (DepEd) na dapat pangalagaan ang kapakanan ng mga guro na nasa NCR Plus bubble.

Dapat aniyang tiyakin ng DepEd sa mga guro na magkakaroon ng testing at sila ay gagamutin sakaling tamaan sila ng COVID-19.

Hinimok din nito na maiangat sa priority list sa vaccination rollout ang mga guro dahil isinasakripisyo din nila ang kanilang kaligtasan at kalusugan sa pagkasa ng blended learning system.

Noong nakaraang taon, inihayag ng DepEd na ang kanilang mga guro at kawani ay sakop ng PhilHealth sakaling tamaan sila ng COVID 19.

Gayundin ang Employees Compensation Commission ay may nakalaan na benepisyo para sa mga pagkakasakit ng kawani dahil sa pagtatrabaho.

“Sa kabila ng muling pagtaas ng kaso ng COVID-19 at ngayong nagsisimula na ang ating vaccination program, hindi natin dapat pabayaan ang kaligtasan at kapakanan ng ating mga guro at kawaning nagsasakripisyo upang maipagpatuloy ang edukasyon sa gitna ng pandemya,” sabi ng namumuno sa Senate Committee on Basic Education.

TAGS: blended learning, COVID-19 vaccination, deped, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Sherwin Gatchalian, blended learning, COVID-19 vaccination, deped, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Sherwin Gatchalian

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.