Barangay frontliners, dapat ding gawing prayoridad sa COVID-19 vaccine

By Erwin Aguilon March 29, 2021 - 05:14 PM

Hinikayat ni Deputy Speaker Benny Abante ang pamahalaan na isama sa prayoridad sa COVID-19 vaccination rollout ang barangay frontliners.

Ayon kay Abante, dapat lamang na maisama sa priority list ang barangay officials, workers at mga tanod sa vaccination program dahil madalas na lantad ang mga ito sa COVID-19.

Mula sa simula aniya ng pandemya ay naging katuwang ng gobyerno ang barangay frontliners sa pamamahagi ng tulong, pagbabantay sa COVID-19 cases sa mga komunidad, pagpapanatili ng kaayusan at pagtiyak na nasusunod ang mga ipinapatupad na health protocols.

Tinukoy ni Abante na sa oras na umpisahan na ang pagbabakuna sa publiko ay tiyak na kakailanganin din ang tulong ng barangay workers kaya marapat lamang na maisama sila sa mga prayoridad na mabakunahan bukod pa sa mga barangay health personnel.

Nakatanggap ng ulat ang kongresista sa kanyang distrito na ilang barangay officials na ang nagkasakit ng COVID-19 habang tinutupad ang kanilang trabaho habang may ilang pumanaw dahil sa sakit.

TAGS: 18th congress, COVID-19 vaccination, Inquirer News, Radyo Inquirer news, rep benny abante, 18th congress, COVID-19 vaccination, Inquirer News, Radyo Inquirer news, rep benny abante

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.