Mga eskuwelahan ‘last option’  na vaccination site, giit ng DepEd

By Jan Escosio March 29, 2021 - 09:59 AM

Sinabi ni Education Secretary Leonor Briones na kung talagang wala ng magagamit na lugar ay saka pa lang maaring gawing vaccination site ang mga pampublikong paaralan.

Paliwanag ni Briones sa umiiral nilang polisiya, ‘last resort’ o ‘final option’ na lang ang paggamit sa public schools bilang vaccination centers.

Bukod pa dito, maari din lang ikasa ang vaccination rollout sa mga paaralan, kung papasa sa itinakdang requirements ng DOH at Inter-Agency Task Force at wala ng iba pang COVID-related activities.

Nakapaloob na ang mga ito sa memorandum na ipinadala ni Briones sa mga opisyal ng mga paaralan.

Ito din ang nais ni Pangulong Duterte at DILG kung talagang wala ng magagamit na vaccination center sa isang lokalidad.

“We are ceaselessly attuning with the DOH and the local government units (LGUs) in determining the schools that are capable to meet their standards because we know that not all schools have the facilities needed for an immunization activity,” sabi pa ng kalihim.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.