ECQ Season 2 katulad lang noong nakaraang taon na palpak – Makabayan solons

By Erwin Aguilon March 29, 2021 - 09:02 AM

Minaliit ng mga kongresista ng Makabayan Bloc ang muling pagsasailalim sa Metro Manila at mga kalapit na lugar sa isang linggong enhanced community quarantine (ECQ) na nagsimula ngayong araw.

Ayon kay Deputy Minority Leader at Bayan Muna Rep. Carlos Zarate, ang paglalagay na naman sa ECQ ng NCR plus ay patunay lamang ng kapalpakan ng administrasyong Duterte sa pagtugon sa pandemya.

Aniya, mauulit lamang ang inefficient at ineffective lockdowns noong nakaraang taon dahil hindi naman tinutugunan ng gobyerno ang panawagan para sa mass testing, agresibong contact tracing at agarang isolation at gamutan sa mga nagkakasakit ng COVID-19.

Para naman kay Gabriela Rep. Arlene Brosas, sa halip na “Holy Week” ay magiging “Horror Weak” ang isang linggong penitensya lalo na sa mga mapipilitang magsara ng negosyo, tumigil sa trabaho at mga informal workers na may limitado lamang na kita.

Nababahala naman sina Bayan Muna Rep. Eufemia Cullamat dahil walang maibigay na kasiguraduhan ang gobyerno para sa ayuda ng mga mahihirap na aabutin nanaman ng gutom sa panibagong pagpapatupad ng ECQ.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.