Political asylum ni CPP founder Joma Sison sa Dutch government, pinatutuldukan

By Jan Escosio March 28, 2021 - 05:17 PM

Hiniling ng dalawang anti-communist groups sa Dutch government na tapusin ang pagkakanlong kay Communist Party of the Philippines (CPPP) founder Jose Ma. Sison.

Naniniwala ang Liga Independecia Pilipinas at League of Parents of the Phils. (LPP) na kapag nakabalik na sa Pilipinas si Sison ay magwawakas na ang paghahasik ng gulo ng New People’s Army.

Pagdidiin ng dalawang grupo hindi political refugee ang 82-anyos na si Sison kundi ‘political terrorist.’

“We appeal to the Netherlands Government to expel Joma Sison together with his co-terrorists,” ang mababasa sa pinagsamang pahayag ng LIP at LPP, na inilabas sa bisperas ng ika-52 anibersaryo ng NPA.

Dagdag pa nila; “The State of the Netherlands has provided Joma Sison and the ruling members of the terrorist group CPP-NPA-NDF a sanctuary and a staging ground in Utrecht, Netherlands, to propagate their senseless war of terror and aggression against the government and the Filipino people.”

Pagdidiin pa nila sa pagkakanlong ng Dutch government kay Sison, nagagawa nitong magplano ng pagsasabotahe sa gobyerno simula noong 1987.

Kasabay nito ang kanilang pagkondena sa pagpatay ng mga rebelde sa limang pulis sa Labo, Camarines Norte kamakailan.

Ang NPA ay kinikilalang grupo ng mga terorista ng ibat-ibang bansa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.