Apat na volcanic tremor naitala sa Bulkang Taal; Alert Level 2 nakataas pa rin
Lumiit na ang bilang ng mga naitalang aktibidad ng Phivolcs sa Bulkang Taal.
Sa nakalipas na 24 na oras nakapagtala ng apat na volcanic tremor na tumagal ng isa hanggang labinlimang minuto.
Mayroon ding mahinang background tremor na nag-umpisa 7:15 kagabi na tumagal hanggang 5:45 umaga ng linggo.
Mayroon din namonitor na mahinang pagsingaw sa bulkan na may taas na dalawampung metro mula sa mga fumaroles o gas vents ang naganap sa main crater.
Nakapagtala naman ng Phivolcs ng 953 na toneladang pagbuga ng sulfur dioxide kada araw noong kahapon, araw ng Sabado.
Nasa 71.8 degrees Celsius na init sa main crater ng Bulkang Taal.
Nagpapatuloy pa rin naman ang pamamaga ng bulkan na nagsimula sa pagsabog nito noong Enero ng nakalipas na taon.
Dahil dito, sinabi ng ahensya na nagpapakita lamang ang kanilang mga obserbasyon na patuloy ang paggalaw ng magma sa ilalim ng bulkan.
Pinaaalalahanan ng Phivolcs ang publiko na sa ilalim ng Alert Level 2, ang steam-driven o phreatic na pagputok, volcanic earthquake, bahagyang abo at mapanganib na ipon o pagbuga ng volcanic gas ay maaaring biglaang maganap at manalasa sa mga paligid ng Taal Volcano Island.
Mahigpit pa ring ipinagbabawal ang pagpasok sa volcano island na idineklara ng Permanent Danger Zone.
Pinaiiwas din ng Phivolcs ang mga piloto na lumipad malapit sa bulkan dahil sa pinangangambahang pagsabog nito na maaring magdulot ng pinsala sa anumang sasakyang panghimpapawid.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.