Smoke-Free Environment isinusulong ng ACT-CIS partylist
Isinusulong ni ACT-CIS Partylist Representative Rowena ‘Niña’ Taduran ang pagsusulong ng Unity for Smoke-Free Environment.
Sa ilalim ng House Bill 8763 o Smoke-Free Environment Act, layunin nito na amyendahan ang ilang probisyon na nakasaad sa Republic Act RA 9211 o Tobacco Regulation Act of 2003.
Partikular na pinatatanggal ni Taduran ang probisyon ng indoor Designated Smoking Areas (DSAs).
Nais din ng mambabatas na siguraduhin na ang 3% alokasyon sa Local Health Budget ay mailalaan sa tobacco-control programs and policies sa local levels.
“Ayon po sa isang pag-aaral, isang daan at sampung libong (110,000) mga Filipino ang namamatay taon-taon dahil sa mga sakit na may kinalaman sa tobacco. Ayon naman po sa Global Youth and Adult Tobacco Survey, 21.5% ng mga Filipinong nakalalanghap ng secondhand smoke sa mga opisina, workplaces, at iba pang enclosed spaces ay mga matatanda, samantalang 54.2% naman ay kabataan”, pahayag ni Taduran.
Agad naman na sinuportahan ni Dr. Mel Anthony Acauvera, ng Department of Health ang panukala ni Taduran na Smoke-Free Environment bill.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.