Liga chief Chavit Singson dinipensahan ang mga nagpabakunang mayors

By Jan Escosio March 26, 2021 - 07:37 PM

Sinabi ni Narvacan, Ilocos Sur Mayor Chavit Singson na hindi dapat sisihin ang mga alkalde na nagpaturok na ng bakuna bilang proteksyon sa COVID 19.

Sinabi ni Singson, ang national president ng League of Municipalities of the Phils., (LMP), kung ang pagpapabakuna ng mga alkalde ay para patunayan sa kanilang mga kababayan na ligtas ang bakuna.

Katuwiran pa ng opisyal, responsibilidad ng mga alkalde na tiyakin maayos ang kapakanan ng kanilang mamamayan at sila ay pangalagaan bukod pa na dapat  palaging manguna sa pagharap sa mga kalamidad

Dagdag pa ni Singson maraming nakakasalamuha ang mga alkalde sa pagbisita nila sa mga barangay, pagkonsulta sa ibat-ibang sektor at sa pagpapatupad ng mga programa at batas.

Bunga aniya ng napakalaking responsibilidad, kailangan din tiyakin ng mga alkalde na mananatili silang malusog at malakas para protektahan ang kanilang mga kababayan.

Ilang alkalde na ang pinadalhan ng show-caused orders ng DILG para ipaliwanag ang pagpapaturok nila bago pa man ang kanilang medical frontliners.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.