Pagbabakuna kontra COVID-19 at pamamahagi ng food subsidy ng LGU Manila, patuloy

By Chona Yu March 26, 2021 - 08:55 AM
(Courtesy: Manila PIO) Muling nagpapatuloy ngayong araw ang  COVID-19 vaccination para sa frontline workers sa Lungsod ng Maynila. Ayon kay Manila City Health Officer Dr. Arnold ‘Poks’ Pangan, target ng Pamahalaang Lungsod na makapagbakuna ng 1,700 individuals o higit pa. Nabatid na 1,000 sa kanila ay mababakunahan ng AstraZeneca vaccines sa Ospital ng Maynila Medical Center habang 700 naman ang makatatanggap ng Sinovac vaccines sa Sta. Ana Hospital. Batay naman sa pinakahuling ulat ng Manila Health Department, umabot na sa 10,412 frontline workers ang nabakunahan na sa Lungsod ng Maynila as of March 24. Samantala, nauna na ring nabanggit ni Manila City Mayor Isko Moreno na hangad niyang walang magutom sa Maynila habang wala pang mass vaccination. Kaya naman tuloy-tuloy pa rin ang delivery ng food boxes sa mga taga Maynila. Kahapon, 792 mula sa 896 barangays ang napadalhan ng ayuda ng LGU Manila. Target ni Mayor Isko na buwan-buwan bigyan ng ayuda ang may 700,000 families ng lungsod habang hindi pa nababakunahan ang kalakhan ng mga Manilenyo.

TAGS: AstraZeneca, COVID-19, Manila City Mayor Isko Moreno, Ospital ng Maynila, Sinovac, Sta. Ana Hospital, vaccine, AstraZeneca, COVID-19, Manila City Mayor Isko Moreno, Ospital ng Maynila, Sinovac, Sta. Ana Hospital, vaccine

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.