Karneng baboy mula Malaysia; poultry products mula Sweden, France at Denmark bawal sa Pilipinas
Ipinagbawal ng Department of Agriculture ang pag-aangkat ng karne ng baboy mula Malaysia, gayundin ng mga poultry products mula sa Sweden, France at Denmark dahil sa mga sakit sa hayop.
Nabatid na may African Swine Fever (ASF) outbreak sa Malaysia, samantalang bird’s flu naman ang nananalasa sa tatlong nabanggit na bansa sa Europe.
Sa memorandum 20-2021, ang domestic and wild pigs at kanilang produkto at by-products kasama na ang karne, pig skin at semilya na magmumula sa Malaysia ay pansamantalang hindi papayagan na maipasok sa bansa.
Sa ilalim ng memorandum orders 21, 22, 23-2021, ipinagbabawal aang pag-angkat domestic and wild birds kasama na ang karne ng mga ito, day old chicks, itlog ,at semilya mula Sweden, France, at Denmark ay pansamantalang ipinagbabawal bunga ng outbreaks ng highly pathogenic avian influenza (HPAI) ng H5N8.
Sa memorandum ng DA na inilabas noong Marso 23, kukumpiskahin ang mga kargamento na naglalaman ng mga ipinagbabawal na karne at itlog kapag ipinasok sa Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.