Pangulong Duterte, Chinese Ambassador Huang nakausap na ukol sa Chinese vessels sa Julian Felipe Reef

By Chona Yu March 25, 2021 - 03:36 PM

Personal nang nakausap ni Pangulong Rodrigo Duterte si Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian.

Pero ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, naganap ang pag-uusap ng dalawa bago pa man napaulat ang presensya ng 220 na Chinese vessel sa Julian Felipe Reef sa West Philippine Sea.

Matagal na aniyang naka-schedule ang social call dahil nais ng Pangulo na personal na batiin ng happy birthday si Huang.

Ayon kay Roque, sa naturang pag-uusap, iginiit ng Pangulo ang nakasaad sa United Nations na pangangalagaan ng Pilipinas ang teritoryo nito at maayos ang agawan ng teritoryo sang-ayon sa United Nations Convention on the Law of the Sea.

Nanindigan din aniya ang Pangulo sa pagkapanalo ng Pilipinas ng Arbitral Tribunal noong 2016 kung saan pinawalang saysay ang claim ng China sa West Philippine Sea.

Kumbinsido si Roque na sa panig ng magkaibigan ay mareresolba ang isyu at gagana ang pagiging malapit na magkaibigan ng Pilipinas at China.

Bilang tugon ay sinabi umano ni Huang sa Pangulo na sumisilong lamang dahil sa sama ng panahon ang mga Chinese fishing vessel.

Ayon kay Roque, nagkaintindihan naman sina Pangulong Duterte at Huang.

Naniniwala si Roque na wala namang kontrobersiya rito dahil hindi naman aniya ipinipilit o ipinaglalaban ng China na mananatili sa Julian Felipe Reef ang mga Chinese vessel.

Sa tanong kung meron bang sama ng panahon sa bansa sa panahong nananatili sa Julian Felipe Reef ang mga Chinese vessel, sinabi ni Roque na mayroon kasing mga parte ng karagatan na nakararanas ng malalaking alon.

Mismo aniya siya ay makailang beses nang nakaranas ng ganitong sitwasyon galing sa Maynila patungo sa bahagi ng Visayas o sa parte ng Romblon na kahit walang sama ng panahon ay sadyang malalaki ang alon sa gitna ng karagatan.

Umaasa na lamang si Roque na sa lalong madaling panahon ay lilisanin na ng mga natitira pang Chinese vessels ang Julian Felipe Reef sa bahagi ng Eest Philippine Sea sa Palawan.

TAGS: Chinese maritime militia, Chinese vessels, Inquirer News, Julian Felipe Reef, Radyo Inquirer news, Sec. Harry Roque, Chinese maritime militia, Chinese vessels, Inquirer News, Julian Felipe Reef, Radyo Inquirer news, Sec. Harry Roque

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.