Parañaque City Mayor Olivarez papanagutin ng DILG sa pagbakuna kay Mark Anthony Fernandez
Binabalak ng DILG na sampahan ng kaso si Parañaque City Mayor Edwin Olivarez dahil sa pagbibigay ng special treatment sa aktor na si Mark Anthony Fernandez nang bakunahan ang huli ng anti-COVID 19 vaccine.
Sinabi ni DILG Usec. Epimaco Densing III sa nangyari maaring papanagutin si Olivarez dahil sa command responsibility.
Ito ay sa kabila ng katuwiran ng alkalde na halos lahat na ng health care workers sa kanilang lungsod ay nabakunahan na.
Ayon pa sa opisyal ng DILG nangangalap na sila ng mga ebidensiya na maaring pagbasehan ng isasampang kaso laban kay Olivarez.
Pinuna din nito ang paninindigan ng alkalde na kasama ang aktor sa substitute list dahil ito ay itinuturing na ‘person with comorbidity.’
Ngunit sa isang pahayag sinabi ni Fernandez na wala siyang iniinom na maintenance drugs maliban sa vitamin supplements.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.