Kanselado ang public screening ng Pacquiao-Bradley fight sa Western Mindanao Command
Kinansela ang nakatakdang public screening ngayong araw ng Pacquiao-Bradley boxing match sa gymnasium ng Western Mindanao Command (Westmincom) headquarters.
Paliwanag ni Major Filemon Tan Jr., Westmincom spokesperson, binago ang plano kahapon (April 09) dahil sa naganap na engkwentro sa pagitan ng tropa ng militar at mga rebeldeng miyembro ng Abu Sayyaf Group.
Ayon kay Tan, sa halip na ituloy ang public screening Pacquiao-Bradley boxing fight sa Westmincom gym, inihanda ito para sa “fallen heroes” o labingwalong sundalo na nasawi sa pakikibakbakan sa ASG.
Batay sa inisyal na ulat, bukod sa mga namatay na sundalo, mahigit limampu ang sugatan sa sagupaan na naganap sa Tipo-Tipo, Basilan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.