Kaso ng COVID-19 sa mundo, umabot na sa 124.80 milyon
Pumalo na sa 124.80 milyon ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.
Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 124,806,956 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.
Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 30,636,534 cases.
Sumunod na rito ang Brazil na may 12,136,615 na nagpositibo sa pandemiya.
Nasa 11,734,058 naman ang kaso sa India habang 4,474,610 ang napaulat na kaso sa Russia.
Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– France – 4,313,073
– United Kingdom – 4,307,304
– Italy – 3,419,616
– Spain – 3,234,319
– Turkey – 3,061,520
– Germany – 2,689,205
– Colombia – 2,347,224
– Argentina – 2,261,577
– Mexico – 2,203,041
– Poland – 2,089,869
Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 2,746,311 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.
Nasa 100,842,866 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.