Pagbabawal sa pribadong sektor na bumili ng COVID-19 vaccines, pinuna ni Sen. de Lima

By Jan Escosio March 23, 2021 - 04:10 PM

contributed photo

Sumali na si Senator Leila de Lima sa mga bumabatikos sa nabunyag na planong ipagbawal sa ilang pribadong industriya ang pagbili ng bakuna para sa kanilang mga empleyado o manggagawa.

Sinabi nito na nakakalungkot na tila lumalabas na ang bakuna kontra COVID-19 ay para sa lahat.

“Where are the vaccines? Why prevent the private sector to import vaccines, who can do better and faster, to provide for the needs of their own workforce and even donate for a portion of the over-all requirements, at least for the priority sectors? Walang masama kung gusto nilang protektahan ang kanilang mga empleado at pamilya, lalo pa’t walang sinasanto ang COVID-19,” diin ni de Lima.

Dapat aniyang matuwa pa ang gobyerno dahil kumikilos ang pribadong sektor para mapigilan ang pagkalat ng nakakamatay na sakit.

Obserbasyon din ni de Lima na tila hindi nagmamadali ang gobyerno na makamit ang ‘herd community’ sa pamamagitan nang pagbakuna sa 70 milyong Filipino.

“Ang mga nasa posisyon at kapangyarihan nagagawa nila na magpa-regular test at agad silang naaasikaso na gastos ng gobyerno kapag sila ay nagpo-positibo, pero paano naman ang ordinaryong mamamayan?” tanong din ng senadora.

TAGS: COVID-19 vaccine procurement, herd immunity, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Sen Leila De Lima, COVID-19 vaccine procurement, herd immunity, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Sen Leila De Lima

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.