Nasa bangko pa ang perang inutang para ipangbili ng mga bakuna kontra COVID-19.
Tugon ito ni Pangulong Duterte matapos kwestyunin nina Senador Panfilo Lacson at Risa Hontiveros kung nasaan na ang bilyong pisong inutang mula sa multilateral lenders.
Ayon sa Pangulo, nasa bangko at wala sa kamay ng gobyerno ang perang inutang.
“Ang buong akala kasi nila ‘yong pera na bilyon na bilyon na ibinigay nila sa kong — ‘yong Kongreso, nandiyan na sa kamay natin, that it’s cold cash, at ang anuhin, nasaan na ‘yong pera? Sinasabi na natin time and again that the money is with the lending banks,” pahayag ng Pangulo.
“And you know, if you are afraid of corruption, let your mind go easy because these things are not susceptible to anything. The money is in the hands of the bank and they collect ‘yong nagpabili sa atin ng bakuna from the bank,” dagdag ng Pangulo.
Ayon sa Pangulo, saka lamang magbabayad ang gobyerno sa drug manufacturers kapag nai-deliver na ang mga bakuna.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.