Mayor Isko, pinaigting ang housing projects sa Maynila sa gitna ng pandemya

By Chona Yu March 23, 2021 - 08:30 AM
(Courtesy: Manila PIO) Nilagdaan na ni Manila City Mayor Isko Moreno ang Ordinance No. 8730 o ang Manila Urban Housing Ordinance. Sa ilalim ng naturang ordinansa, pinahihintulutan ang Pamahalaang Lungsod ng Maynila na gumawa ng mas marami pang vertical at horizontal in-city public housing projects para sa mga Manilenyo. Ito ay bahagi ng plano ni Mayor Isko na mabigyan ng disente at sariling bahay ang mga nangungupahan, mahihirap, at informal settler families (ISFs). Layunin din ng ordinansa na makabili ng lupa ang lokal na pamahalaan para sa ISFs. Ayon pa sa Alkalde, ang paglagda sa naturang ordinansa ay katuparan din ng pangarap ng kanyang mga magulang. “‘Yong pangarap ng tatay at nanay ko na magkaroon ng sariling bahay na hindi naganap ay siya namang bagay na pinagpapasalamat ko sa Diyos ngayon, dahil nabigyan ako ng pagkakataon na matupad ko ang pangarap ng inyong nanay at tatay. Para sa inyo mga Batang Maynila,” pahayag ni Mayor Isko. Kasami ni Mayor Isko lumagda ng ordinansa sina Manila City Vice Mayor Maria Sheilah ‘Honey’ Lacuna-Pangan, Majority Floor Leader Councilor Joel Chua, at iba pang mga opisyal ng pamahalaang lungsod. Ang magiging renta para sa naturang housing programs ay aabot lamang ng P2,000 para sa mga minimum wage earners and below habang P3,000 naman para sa mga kumikita ng higit sa minimum wage. Ang lahat naman ng buwanang bayad sa upa ay ibibigay sa Manila Urban Settlement Office para sa wastong accounting. Bawat benepisyaryo ng pabahay ay maaaring manatili sa kanilang mga yunit sa loob ng limampung taon. Tanging mga residente ng horizontal o townhouse/single detached housing units ang puwede mag-renew ng kanilang kontrata alinsunod sa mapagkasunduan nila at ng lokal na pamahalaan. Bukod sa mga proyekto sa pabahay, inatasan din ng Ordinansa No. 8730 ang Manila Urban Settlement Office na bumuo at magtatag ng isang ‘One Stop Shop Housing Processing Center’ na gagamitin upang maproseso ang lahat ng mga housing-related permits, clearances, at certification. Matatandaan namang tiniyak din si Domagoso na prayoridad ng Pamahalaang Lungsod ang kabuhayan ng mga Manilenyo habang tinutugunan din ang mga suliraning dulot ng pandemya. “We will continue to achieve our goal, aspirations, and visions while others makapaghihintay naman. Kaya kung ano man ang gagawin pang malalaking bagay o maliliit na bagay, ay sinisigurado namin na ito’y kapakinabangan ng tao. Tao muna sa Lungsod ng Maynila. Iyan ang magiging direksyon ng ating 2021,” ani Mayor Isko.

TAGS: informal settler families, Isko Moreno, Manila Urban Settlement Office, informal settler families, Isko Moreno, Manila Urban Settlement Office

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.