DILG sa PNP, LGUs: Istriktong ipatupad ang pagbabawal sa mass gathering sa NCR at ilang lalawigan
Hinikayat ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang Philippine National Police, local government units (LGUs) at mga barangay na istriktong ipatupad ang pagbabawal sa anumang uri ng mass gathering sa National Capital Region (NCR), Bulacan, Rizal, Cavite, at Laguna mula March 22 hanggang April 4, 2021
Kasunod ito ng patuloy na pagsipa ng kaso ng COVID-19.
Ipinag-utos ni DILG Officer-In-Charge Bernardo C. Florece Jr. sa pambansang pulisya ang pagtatalaga ng border checkpoints upang maiwasan ang paglabas-pasok ng non-essential workers at upang maipatupad ang uniform curfew hours mula 10:00 ng gabi hanggang 5:00 ng madaling-araw.
Ani Florece, maaaring maging ‘super-spreader event’ ang mass gathering na maaaring maglagay sa peligro sa mga pamilya at komunidad.
Dapat aniyang ipakalat agad ng mga LGU ang kanilang COVID-marshalls, Barangay Disiplina Brigades, barangay tanod at iba pang force multipliers.
Dapat naman aniyang tutukan ng Barangay Health Emergency Response Teams kung nasusunod ang pagbabawal sa mass gathering sa mga bahay.
“We ask the public to report incidents of mass gatherings in their barangays to the BHERTs and the police so that these can be acted immediately,” pahayag nito.
Nakapag-deploy na ang PNP ng higit 10,000 pulis sa Metro Manila.
Kailangan aniyang bantayan ang dine-in restaurants, cafes, at iba pang establisyimento kung nasusunod na delivery, take-out, at outdoor o alfresco dining lamang ang pinapayagan.
Pinatutukan din ang nagpatupad ng temporary suspension sa operasyo ng driving schools, traditional cinemas, at video-and interactive-game arcades, libraries, archives, museums, cultural centers, limitadong social events sa accredited establishments ng Department of Tourism (DOT) at limitadong tourist attractions maliban sa open-air tourist attractions.
“Kooperasyon at disiplina po ang kailangan natin sa panahong ito, hindi puwedeng puro gobyerno lang ang kikilos laban sa COVID-19,” giit ni Florece at aniya pa, “Dapat lahat ng Pilipino sama-sama at tulong-tulong dahil ito lang ang paraan para lahat tayo makaahon sa pandemya.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.