Tigil-operasyon ng LRT-2, ipatutupad sa Semana Santa
Magpapatupad ng tigil-operasyon ang Light Rail Transit Authority sa LRT-2 sa panahon ng Semana Santa.
Ayon kay LRTA Spokesman Atty. Hernando Cabrera, Martes Santo pa lamang o March 30 ay paiiksiin na ang operasyon ng LRT-2.
Mula sa normal na 5:00 ng unaga hanggang 9:00 ng gabi, magiging hanggang 8:00 na lamang muna ito ng gabi.
Pagdating naman ng Miyerkules Santo o March 31, wala ng operasyon ang LRT-2 hanggang April 4 o Linggo ng pagkabuhay.
Magbabalik na ang operasyon ng LRT-2 sa Abril 5.
Ito, ayon sa opisyal, ay upang bigyang-daan ang maintenance activities sa LRT-2.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.