Mga nakabakasyon sa labas ng ‘NCR plus,’ maaring pang makabiyahe pabalik
Walang dapat ikabahala ang mga turista na nasa bakasyon sa labas ng tinaguriang ‘NCR plus.’
Sa isang virtual briefing ng Department of Transportation, sinabi ni Civil Aeronautics Board Executive Director Carmelo Arcilla na maituturing na essential travel ang biyahe ng mga ito pabalik sa kanilang mga tahanan.
Halimbawa aniya rito ay kung nasa Boracay o Palawan ang isang indibidwal na nagbakasyon doon ay hindi pagbabawalan na makabiyahe pabalik sa Metro Manila o kung saan man sila nakatira na dadaan sa ‘NCR plus.’
Gayunman, nilinaw nito na sa ngayon ay umiiral ang pagbabawal sa mga leisure travel.
Pinawi naman ni Arcilla ang pangamba ng mga may naka-book ng biyahe para umalis o magbakasyon dahil maari naman aniya itong i-refund o i-rebook sa kanilang mga airline company.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.