Publiko, hinikayat na sumunod sa mga payo ng pamahalaan para makaiwas sa COVID-19

By Erwin Aguilon March 22, 2021 - 02:28 PM

Umapela si House Speaker Lord Allan Velasco sa publiko na sumunod sa payo ng pamahalaan na manatili sa mga tahanan at iwasan muna ang mga non-essential travel.

Ayon kay Velasco, pagod na ang mga healthcare worker at ang health care system ng bansa dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Dapat aniyang obserbahang mabuti ng publiko ang mahigpit na pagsunod sa health protocols kahit pa nasa mga bahay.

Sa ganitong paraan ay hindi lamang maiiwasan ang pagkalat ng sakit kundi mas maraming buhay din ang maililigtas.

Dapat din aniyang maging malinaw na sa lahat ang mensahe na kapag ang bawat isa ay nakipagtulungan sa pagtigil na kumalat ang COVID-19, tiyak na makabubuti ito sa ekonomiya at mas mapapabilis ang pagbabalik sa normal na buhay ng lahat.

Nito lamang Sabado, March 20, 2021 ay naitala ang pinakamataas na bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19 at hindi na bumaba sa mahigit 7,000 ang naitalang kaso hanggang Linggo, March 21, 2021.

TAGS: 18th congress, COVID-19 response, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Speaker Lord Allan Velasco, 18th congress, COVID-19 response, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Speaker Lord Allan Velasco

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.