Batasang Pambansa Complex, bukas na muli matapos ang apat na araw na lockdown

By Erwin Aguilon March 22, 2021 - 02:22 PM

Inquirer file photo

Nagbukas na muli, araw ng Lunes (March 22), ang Batasan Pambansa matapos ang apat na araw na lockdown dahil sa mga kaso ng COVID-19.

Gayunman, nilinaw ng Kamara na may mga isasagawa pa ring pag-iingat kontra COVID-19.

Sa isang memorandum na pirmado ni House Sec. Gen. Mark Llandro Mendoza, binanggit ang pangangailangan na magsagawa ng sesyon sa plenaryo upang matapos ang mga “unfinished business” bago ang break ng Kongreso para sa Semana Santa.

Kaugnay nito, simula sa March 22 ay lilimitahan na muna ang mga tao para sa “physical attendance” o makakapasok sa loob ng plenaryo.

20 kongresista at 20 personnel gaya ng secretariat o technical support ang papayagan na makapasok sa plenaryo ng Kamara.

Ang ibang mga kongresista naman ay hinihimok na dumalo ng sesyon sa pamamagitan ng video conferencing.

Pero kung nais talaga na personal na makadalo sa House Plenary, kakailanganing magpalista ng pangalan sa Office of the Secretary General, isang araw bago ang sesyon. At ang pinal na listahan ay ipapaskil sa entrada ng plenaryo.

Nauna nang ni-lockdown ang Batasan Complex dahil sumampa sa higit sa 30 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Kamara, maliban pa sa ilang mga mambabatas na tinamaan din ng sakit.

TAGS: batasan pambansa complex, Batasan Pambansa lockdown, Congress COVID-19 cases, Inquirer News, Radyo Inquirer news, batasan pambansa complex, Batasan Pambansa lockdown, Congress COVID-19 cases, Inquirer News, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.