Vaccine rollout ng gobyerno sablay sa dapat na target – VP Leni Robredo

By Jan Escosio March 22, 2021 - 10:54 AM

Matinding paghahabol ang dapat na gawin ng gobyerno para maabot ang ‘herd immunity’ hanggang sa pagtatapos ng kasalukuyang taon, ayon kay Vice President Leni Robredo.

Sa kanyang Facebook post, ipinaliwanag ni Robredo kailangan na kada araw, 256,993 ang nababakunahan para sa pagtatapos ng taon ay 73.5 milyon na sa mga Filipino ang nabakunahan  at ito ay 70 porsiyento ng 105 populasyon ng bansa.

Sa ganitong paraan ay maaabot ang tinawag na herd immunity.

Nabanggit niya na sinabi ni Health Sec. Francisco Duque III na hindi maaring madaliin ang pagbabakuna sa health frontliners dahil mawawalan ng tao sa mga pasilidad at ospital.

“This is what we have been asking since last year -prepare the deployment plan, treat it as a logistics problem, identify and train vaccinators, prepare large vaccination centers that will make possible a more efficient rollout,” sabi ni Robredo.

Aniya batid niya na kulang pa ang suplay ng bakuna ngunit dapat ay mabilis na naipapamahagi ang mga bakuna.

“Let us assess where the bottlenecks are. 1M palang supply natin, pero in 17 days hindi pa nga tayo naka 50% utilization, papaano na kung 70M na yung available? tanong nito.

Dapat din aniya pahalagahan ng husto ang maitutulong ng husto ng pribadong sektor kayat panawagan niya din sa gobyerno na huwag nang pahirapan pa ang mga may maiaambag para mapabilis ang pagkasa ng vaccination program.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.